Ang Aking KuboAng aking kubo sa tabindagat
Dingding ay pawid bubong ay nipa
Sa palibot may mga halaman
At bakod na gawang kawayan
Gayak ng kubo ay kalikasan
Ang kabukiran ang buwan at bituin
Pinapayungan ng punongkahoy
At iniihipan ng sariwang hangin
BahayIsang araw ako'y nadalaw sa bahay tambakan
Labinglimang mag-anak ang duo'y nagsiksikan
Nagtitiis sa munting barung-barong na sira-sira
Habang doon sa isang mansyon halos walang nakatira
Sa init ng tabla't karton sila doo'y nakakulong
Sa lilim ng yerong kalawang at mga sirang gulong
Pinagtagpi-tagping basurang pinatungan ng bato
Hindi ko maintindihan bakit ang tawag sa ganito
Hanggang Kailan, Hanggang SaanSa isang yugto ang rosas ay
Matutuyo mamamatay
Katulad ng marami nang sumpaan
Sa isang puwang ng hininga
Nagbago ang isa't isa
May aalis at may isang iiwan
Tayo kaya ay magtatagal
O sing-ikli ng isang kanta
HoldapMinsang ako ay nag-agahan doon sa bandang nagtahan
Nang mayrong nagkagulo sa isang tambayan
At ang usap-usapan ay tungkol sa isang holdapan
Sa isang pampasaherong sasakyan
Nang aking nilapitan tamangtamang naabutan
Ang isa sa biktimang nagsalaysay
At ang bukambibig niyaong mamang nanginginig
Salamat daw at siya'y naiwan pang buhay
Huwag Kang Mangako Ng KailanpamanHuwag kang mangako ng kailanpaman
At baka 'di ko mapapantayan
Huwag kang mangako ng habangbuhay
At baka di mo ako mahintay
Huwag kang mangusap ng kailanpaman
Kahit magdusa't daigdig ma'y pasan
Di kailangang matinik na landas
Upang patunayang pagsuyo'y wagas
Kahit KontiMaari bang maari bang umusog-usog ng konti
Hati-hati dahil masyadong masikip ang upuan
At kung iyong kausapin ako nama'y hindi maselan
At payag matabihan umusog lang umusog ng konti
Maari bang maari bang umusog-usog ng konti
Madadaan sa usapan ang maaring pag-awayan
Sakali mang mayron kang napapansin sabihin lang
At kung makatuwiran ako'y uusog din kahit konti
Kapag Sinabi Ko Sa IyoKapag sinabi ko sa iyo na ika'y minamahal
Sana'y maunawaan mo na ako'y isang mortal
At di ko kayang abutin ang mga bituin at buwan
O di kaya ay sisirin perlas ng karagatan
Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y iniibig
Sana'y maunawaan mo na ako'y taga-daigdig
Kagaya ng karamihan karaniwang karanasan
Daladala kahit saan pang-araw-araw na pasan
Kung Ayaw Mo Na Sa AkinKung ayaw mo na sa akin
Wala akong magagawa
Hindi mo na kakailanganing
Magdadalawang salita
Kung ayaw mo na sa akin
Sabihin lang ang totoo
Para minsanan na lang ding
Luluha ang puso ko
Kung Ika'y WalaKung ika'y wala wng palibot ko'y parang may tabing
Kung ika'y wala ang mga mata ay may piring
Kapaligira'y nasisira ang tunay na kulay
At lumalala kung ika'y wala
Kulay abo ang langit kung ika'y wala (ang langit kung ika'y wala)
Kulay dugo ang lupa kung ika'y wala
Kulay luntian ang araw
Ang dagat ay kulay dilaw
Pag Natatalo Ang GinebraSinusundan ko ang bawat laro
Ng koponan kong naghihingalo
Sa bawat bolang binibitaw
Di mapigilang mapapasigaw
Kahit hindi relihiyoso
Naaalala ko ang mga santo
O San Miguel Santa Lucia
Sana manalo ang Ginebra